Blogger Template by Blogcrowds

HORROR FLICKS

“I heard two noises coming from two separate areas of space over there. One of them could have been an owl, but the other one sounded like a cackling.”

Ito ang isang quote na napanood ko sa isang horror film na Blair Witch Project noong 1999. Isa ito sa pelikula na gumimbal sa publiko dahil hindi malaman kung ito nga ba ay hango sa totoong buhay o hindi. Noong bata pa ako, takot ako sa mga ganitong uri ng pelikula. Lagi raw akong nagkukulong, nagkukumot, o pinapalipat ang channel sa tuwing horror na ang pinapanood sa amin. Sino ba namang hindi matatakot kapag narinig mo na ang ganitong linya:

“Ano ang nasa dako pa roon? Bunga ng malikot na pag-iisip, likha ng balintataw O halaw sa isang daigdig ng kababalaghan Di kayang maipaliwanag ngunit alam mong magaganap...”

Naalala mo pa ba diba? Galing ito sa isang tanyag na katatakutang programa na may pamagat na Pinoy Thriller na ipinalabas noong Dekada 80. Tumataas talaga ang balahibo ko sa tuwing naririnig ko ito sa tv na tila nasa paligid ko lamang ang mga engkanto na sa isang saglit ay mawawala ako sa aking kinauupuan. Subalit ngayon, nahiligan ko ang manood ng horror at suspense films o tv series na halos malaglag na ang puso ko sa tension at takot. Enjoy naman talaga lalo na kung pag-iisipan ka ng writer kung sino nga ba talaga ang pumapatay. Hala! Pustahan pa nga kami kung sino ang may sala.

Iba’t-ibang kuwento. Minsan, siya na sa inaakala mo pero sa huli hindi pala. Best friend pala niya at hindi ang kapit-bahay na laging nakatingin sa bahay mo o kaya naman, pag-aawayin nang writer ang mga karakter hanggang sa magsasak-sakan ang grupo at sa bandang huli lalantad ang tunay na mamamatay.

Iba’t-ibang gimmick. Iniisip mo rin kung iba’t-ibang gimmick ba talaga ano? Oo nga naman, kung papanoorin mo nga sila kapansin-pansin na my iisang gimmick ang mga writers sa pag-likha ng kanilang kuwento, takbuhan, sigawan, at siyempre dugo, dugo, at marami pang dugo. Paandarin ang imahinasyon ng mga manonood.
Ang mga sumusunod ay mga “Top 10 Standard Gimmick” ng writer na lagi kong napapansin sa film:
10.Tatakbo sa kusina, maghahanap ng bagay na pwedeng ihampas o ipang-saksak sa kaaway.
9. Paghahampasin ang kalaban, matutumba, pero tatakbo ka palayo, magtangatangahan at magtatago.
8. Buhay pa ang loko at hahanapin ka. (Bakit nga ba hindi tiyakin na tsugi na siya bago lumayas ano? well, tapos na kuwento kapag nangyari yun at sayang ang 30 minutes na takbuhan)
7. May-awa effect kaya laging buhay ang engot.
6. Magtatago sa kabinet at lalabas pag wala na siya. Surprise!!! nasa likod mo lang pala.
5. Di makaka-tawag sa police dahil pinutol ang linya ng kaaway. Tandaan memorize niya ang set-up ng bahay niyo.
4. Wala ring signal ang cellphone. (NTC, paki explain nga!)
3. Laging sarado ang pinto. Hindi kayang buksan o nakalock lahat ng pintuan sa bahay.
2. Pupunta sa garahe, hahanapin ang susi ng kotse. Siyempre ayaw magstart. Magstart man ito, flat naman ang gulong.
1. Part 2.. Part 3.. Part 4.. hangang Part 10, buhay pa ang loko. Tuloy ang huntingan.

Iba’t-ibang style. Kadalasan umpisa pa lang ng kuwento nakakagimbal na ito. Tatakutin ka ng writer sa hinarire na voice over at dito na iikot ang kuwento. May mga horror films sa base on true stories na nakakapangilabot at siguradong tataas ang iyong balahibo. Sa last scene nito, may mga pagkakataong na mahihirapan ang pumapatay sa bida dahil nga namang bida ito at hindi basta-basta mamamatay. Hindi tulad sa mga extra o supporting karakter na kahit tingin lang ng kalaban tepok na ang mga ito. Babarilin, sasaksakin, susunugin, ibabaon sa lupa, at kung ano anong style ng pagpatay sa kalaban ang gagawin ng bida para mawala lang sa eksena. Magtatapos na ito magyayakapan ang mga nabuhay at bago mo makita ang mga maysala (credits) sa pinilakang tabing magbubukas ang mata ng halimaw at saka ito sisigaw ng "I shall return... growl!!!" ‘yun na!

Bow ako sa mga kapatid nating Korean sa paglikha ng ganitong film. Mukha pa lang nila nakakatakot na kahit walang masyadong special effects. Ihanda lang lang tissue, hindi dahil sa madramang eksena kundi sa lengwahe na tutulo ang dugo sa ilong mo dahil umaasa ka lang sa subtitle para maintindihan ang kuwento.

Hindi magpapatalo ang pinoy sa ganitong uri ng pelikula. Noong 1927, ipinalabas ang kaunaunahang silent horror film na “Ang Manananggal” noon pa ma’y naipakita na ng pinoy kung gaano kahusay sa paggawa ng naturang pelikula. Bilib ako sa mga pinoy, ngayon, high-tech na ang kanilang mga obra. Marami na ring mga creative and graphic artists ang nakisalamuha dahil kapansing-pansing gumaganda ang mga costume o make-up ng mga gumaganap. May gulat effect na rin ang mga ito sa bawat eksena, naryan na ang halimaw na namamasyal sa kisame at ang mga pinoy zombies na hanep ang make-up. At di mawawala ang pang-international natin tulad ng Sigaw ni Iza Calzado, The Maid ni Alessabdra de Rossi, at marami pang iba.

Paborito ko ang Shake, Rattle and Roll noong 1984. Ito ang panahon ng Pridyider na kumakain at dinudukot ang iyong bituka. Nakakatakot talaga marahil bata pa ako noon. Para bang Jason goes to Hell (1983) na di matapos-tapos ang kalokohan, ehe. Tumigil ang SRR sa taong 1997 (SRR VI) parang JGTH na tumigil din sa taong 1993 (final chapter). Bumalik ang SRR at binuhay muli noong 2005 - 2007 (2k5, 8, and 9) . Sa huling araw ng 2008, binalik uli ang SRR na Shake, Rattle and Roll X. Naala ko tuloy noong 2001 binalik rin si Jason na Jason X. Tuloy ba ang karera?

Pero di parin maiiwasan ang nakakatawang istorya na hinaluan ng corny scenes na nakakaconfuse minsan dahil ang mga major characters ay super drama at masyadong serious ang kanilang eksena samantalang may mga karakter na Ogie Alcasid (OA) pa rin ang drama. May konting love story man ang horror na ito tiyak lang na may komedya pa rin na parang kumakain ka ng popcorn na kailangang isawsaw pa sa ketchup. Marahil ito lang kapuna-puna sa mga pinoy. Paumanhin pero hindi pa talaga ako nakahanap ng isang pinoy horror film na may wow! (O baka sadyang maarte lang ako..hehe!) Naiinis ako sa mga script dahil super predictable ang bawat eksena at napaka-obvious kung sino ang taga-tsugi. Madaling makuha ang istorya ika nga. Isa pa sa pinaka ayaw ko ay ang nag-uumapaw na artista na tila nagvolunteer lahat para makasama sa pelikula na kung titignan mo ay halos mapuno na ng ulo ang kanilang poster.

Kahit ano pa man, astig talaga ang ganitong film. Sa tingin mo, may nananalo bang best aktor o aktress dito? Kung meron, mgtatambling ako!

Newer Posts Home

 
Humor - Top Blogs Philippines