Blogger Template by Blogcrowds

LAFFing PILLS


Bakit nga ba sarap na sarap ang pinoy pagdating sa kuwentuhan? Tawanan, halakhakan, hanggang sa mahulog ito sa kanyang kinauupuan. Ito ang dahilan. Kaya tuloy napapasarap si kumpare sa inuman dahil dito, kaya ayun si kumander nanigas na sa kakahintay sa loko. 

Alam nyo ba na ayun nga sa survey na isinagawa ng isang international group ay natuklasan na bagaman at nakakasama pa rin ang mga Pinoy sa Top Ten ng pinakamasayahing tao sa mundo, unti-unti na tayong nalaglag sa hulian. Samantalang noong mga unang pagkakataon na isinagawa ang nasabing happy survey ay hindi tayo naaalis sa number two or three position?

Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Nawawalan na ba tayo ng pag-asa at tuluyan ng nawawala ang ating sense of humor?

Iba pa rin ang pinoy, umulan man o bumagyo, taghirap man o tagpera sa buhay, tayo ay patuloy na magsasaya! Ganyan nga.. O h’wag kang iiyak dahil di kita pinapaiyak ha?

Mabuhay ka, este, magsaya ka Pilipino!

Tanong: Paano mo sasabihin sa tao na mataba s’ya nang hindi s’ya nao-offend? 

Sagot: Siguro ang lotion mo MANG TOMAS ‘no?

Fan ako ng tawa. Tawa ako nang tawa kahit anong ibatong joke sa akin. Mababaw lang talaga siguro ako. Minsan nga may nakapansin sa akin at tinanong na “Why are you always smiling?” naks naman, hayop na kinabog ako. Ito na ata ang tanong na nagpaiyak sa akin. Sige na nga, hindi po totoo yun, sa halip tumawa pa ako at naisip kong baka naman mukhang clown ako para sa kanya.

A naked girl on a taxi.

“Bakit?” the girl asked the driver na nakatitig sa katawan n’ya.

“Ngayon ka lang ba nakakita ng hubad?”

Driver: Hindi miss. Iniisip ko lang kung saan nakatago ang pamasahe mo…

Pilipino Funny Komiks. Bata pa lang ako (teka, mahahalata ang edad ko dito ah…) bumibili na ako nito. Sino bang hindi makakalimot kina Niknok, Lilit Bulilit, Planet opdi eyps, Superkat, Bulol en Tangak, Tiny Tom, DAX, Darmo Adarna, Mr. and Mrs. At marami pang iba na sa panahong iyon halata na ang kababawan ko sa komedya. Collector ako nito. Teka? Asan na nga ba mga yun?! Kung maibabalik ko lang… (ehem, kantahin mo ‘to..)

Pugad Baboy. (Aaminin kong college na ako dito.. ehe!) Silang mga karakter tulad nina Bob, Mang Tomas, Igno, Mang Dagul, Pao at syempre si Brosia  na feeling mo ay nasa loob ka ng mundo nila. Napapasabay ka sa kuwentuhang ukol sa pinoy life style, pulitika, at buhay aso. Tama! Isang aso na nagsasalita. Si Pulgas. Minsan iniisip ko, kung buhay lamang ang mga ito marahil walang tigil sa halakhakan ang mga pinoy. Hindi lamang siguro top one sa happy survey kundi champion pa tayo dito. Pol Medina, sinundan ko ang iyong drawing sa Inquirer at sa Tumbok tabloid (ehe.. maganda naman ang dyaryo na ‘to).    

Bobong Pinoy. Si Bob Ong na namiss ko sa internet. Si Bob Ong na nasundan ko sa lamang sa libro. Hanggang ngayon di ko pa nakikita kung sino ba talaga ng pagka-adik ko. Kakaiba ang hirit ni kuya. Sagad to the bones ika nga. Binili ko ang libro nya na parang wala nang bukas. Nagpanic buying ako. Binili ko silang lahat. Umiyak ako kinabukasan. Wala na pala akong allowance, ehe! Syempre joke lang para masaya. Magkita kita tayo minsan at isama mo si Chuckie Dreyfus (tama ba spelling?)

Nakatakas si Erap, FVR, GMA sa mga terorista

at nagtago sa mga sako sa isang farm.

Terorista 1: Anong nakita mo r’yan?

Terorista 2: Mga sako lang.

Terorista 1: Tignan mo ang laman!

Sinipa ng terorista ang unang sako,

“Meow”, sabi ni FVR!

Terorista 2: Pusa!

Sinipa ang pangalawang sako,

“Aw aw”, sabi ni GMA!

Terorista 2: Aso!

Sinipa ang ikatlong sako…

Walang tunog kaya sinipa uli ito nang sinipa ng terorista.

Dahil sa sakit, napasigaw si Erap.

“PATATAS!”

 

SMILE..

you don’t own all the problems in the world…

some of them are mine…


MANIC MONDAY

Lunes kahapon. Unang araw nanaman ng lingo. Nakapagturo pa ako nung umagang iyon. Pagkatapos nun, heto na ang kalbaryo, sinugod nako ng sakit ng ulo na sagad to the max ang sakit. Pinipilit kong kalimutan dahil yun minsan ang ginagawa ko. Hala! Wa-epek! Dumaan ako sa clinic sandali para humingi ng gamot. Humiga ako ng konti. Ayaw pa rin mawala sa isip ko. Parang may automatic na martilyong pumupukpok sa aking ulo na kasabay ang maingay na tren sa eskinita. Bumalik ako sa opisina para magtrabaho ulit. Naknampucha! Sinusundan ako ng binibiyak na ulo. Tama na. Give up na ako. Umuwi rin ako ng mga oras na iyon.

Nasa jeep na ako. Nakakandong sa akin ang sumpa. Binibiyak pa rin ang ulo ko sa sakit. Iritang irita ako sa bawat galaw ng mga tao. Lamig na lamig na ang pawis ko. Ang tanging hinihingi ko lang sa oras na iyon ay ang makauwing buhay.

Titillating Films


Ang susunod na artikulo ay naglalaman ng maseselang salita. Patnubay ng inyong mudra at pudra ay kailangan.

 

Uulitin ko.. Babala ito bata ka ha?! Rated R ito...

 


Noong early 90’s, naglipa ang mga bold movies sa sinehan na basta basta nalang sumusulpot na wala man lang ka promo-promotion. Yung iba, obyus na obyus na indi man lang ginastusan kahit pamasahe lang man. Yung mga pelikula na alam mo na ginawa lang sa likod ng bakuran ng kapit bahay niyo o di naman kaya sa likod lang ng bahay ng direktor.

 

Ito ang mga boldstars sa kanilang henerasyon:

80’s:

Alona Alegre,Alona Amor, Amanda Amores, Angela Perez, Anna Marie Gutierrez, Brandy Ayala, Cherrie Madrigal, Christy Reyes, Claudia Zobel, Coca Nicolas, Cristina Crisol, Didith Romero, Elsa Agana, Elsa Enrile, Emily Loren, Farrah Floro, Glenda Araneta, Irma Alegre, Isadora, Jaclyn Jose, Josephine Manuel, Joy Sumilang, Lala Montelibano, Lampel Cojuangco, Liz Alindogan, Lola Rodriguez, Lyka Ugarte, Ma. Isabel Lopez, Maureen Mauricio, Melinda Mendez, Michelle Zobel, Myra Manibog, Myrna Castillo, Olivia Ortiz, Pepsi Paloma, Sarsi Emmanuelle, Shirley Tesoro, Stella Strada, Stella Suarez Jr., Sylvia Sanchez, Tanya Gomez, Vida Verde, Vodka Zobel... 

 

90’s to present:

Aila Marie, Aleck Bovick, Allona Amor, Alma Soriano, Amalia Jones, Ana Capri, Ana Leah Javier, Andrea del Rosario, Angela Velez, Anjanette Abayari, Ara Mina, Asia Agcaoili, Assunta de Rossi, Ava Henson, Aya Medel, Barbara Milano, Belinda Bright, Camille Roxas, Candy Alison, Clarissa Mercado, Deborah Carpio, Diana Zubiri, Elaine Dizon, Ella V., Francine Prieto, Glydel Mercado, Gwen Garci, Halina Perez, Hanna Miranda, Ilonah Marquez, Isabel Granada, Izza Ignacio, Jenine Desiderio, Jennifer Lee, Joyce Jimenez, Julia Lopez, Juliana Palermo, Karen Montelibano, Kat de Santos, Katrina Paula, Katya Santos, Keanna Reeves, Klaudia Koronel, Kristine Jaca, Kuhdet Honasan, Lolita de Leon, Maricar de Mesa, Marinella Moran, Maye Tongco, Mica de Assi, Michelle Estevez, Monica Blanca, Monica Montes, Natasha Ledesma, Nenette Valdez, Nina Lopez, Nini Jacinto, Pamela Ortiz, Patricia Javier, Priscilla Almeda, Pyar Mirasol, Raja Montero, Rita Magdalena, Rose Valencia, Sabrina M., Stella Ruiz, Sunshine Cruz, Sydney Segovia, Tracy Torres, Venus Varga, Yda Manzano, Ynez Veneracion...


PANAWAGAN: Kung may reaction man sa henerasyong nasa itaas maari nyo pong i-type sa pader ang: i-tsika (space) galitako (space) samgayan (space) at i-send sa kapitbahay nyo.

 

Ang mahiwagang kamison ang nagpasikat sa ilang mga starlet. WET look ika nga. Anumang kwento nito maisingit lang ang paglalaba sa dagat na naka-kamison at syempre darating ang dyowa na maglalampungan sa tubigan. Bakat na ang loka! Nauso rin ang mga retarted na bidang lalaki tulad ni Romnick Sarmienta at Leandro Baldemor na aalagan ng probinsyanang bold star, di ba Priscilla?!  

 

Pambihirang pinoy. Mabilis ang transisyon na dati nakashort ka lang.. bold na ito. Di nagtagal wet look na ang estilo. Ngayon, maluluwa ang mata mo sa kakaibang pinapakita ng mga starlet na halos dahon na lang ang pantakip dito. O saan ka pa? Excited na nga sa bold films sa taong 2020.. ehe!

 

Seiko ang nagpauso ng bold films sa RP Cinema. Yumaman kaya ang Seiko films noon? Parang oo kung iisipin dahil sa sobrang dami ng bold films na ginawa nito mula kay Rosanna Rocess hanggang kay Priscilla Almeda. Di ko na matandaan kung kelan sinara ni pareng Robie Tan ang Seiko. Ang pagkakaalam ko muli itong nagbalik sa taong 2007 upang humirit ng isa pa sa pelikulang entitled ‘SILIP’ ni Diana Zubiri.    

 

Soft Porn o Hardcore?

 

Hindi ako nanonood ng mga ganun. Ahh.. Eh..OK. Nagsinungaling ako. Once lang naman yun at hindi ko na matandaan ang pamagat ng kacheapan na movie dahil sobrang curious lang ako kung ano ang kwento  nito.  O siya, sa ngalan ng imahinasyon pumasok ako sa ganyang sinehan. Kung ano man ang nangyayari sa loob, hayy.. tsikret na lang.

 

Nakakatawa ang mga title ng mga pinoy bold movies noong una. Naalala niyo pa ba ang Patikim ng Pinya, Nunal sa pusod ng dagat, Gatas sa dibdib ng kaaway, Dos Ekis, Pisil, Xerex, Kokak, Tatatin, Sukdulan, Talong, Kangkong, Okra, kamatis.. ahayy nadala ako.. Ligaya, Monay, Tikim, Itlog, Bakat, Sisid, Arayy, Balahibong Pusa, at Diligan mo nang suka ang uhaw na Lumpia. (Easy. Gawagawa ko lang ang huli!) HAHAHA!

 

Hmmm, kung bibigyan ako ng pagkakataong na gumawa ng title, ito ang mga naisip ko:

(isubo mo muna yang kinakain mo at baka may mangyaring masama.. ehe)

 

Bata Ka Pa Lola, Kahariang Gubat, Kabig ng Dibdib Subo ng Bibig, Pitas na Patatas, Dikdikan, Itay Huwag Mong Patulan si Kuya, Dapa ka Nena, Mahapdi, Ang Kahoy ni Machete, Iyo ang Talong akin ang Papaya.. Belo, Magkano Monay mo Iha?, Ubas sa Dibdib ni Ogie Diaz, at Tadtarin ng Kamatis ang Sinigang sa Miswa. (Ehe..)

 

Ikaw nakaisip ka na ba ng title mo?


SUPER PROXY

“Nais kong maihip ng hanging walang patutung'han

Parang ibong wala ring hangarin kundi ang lumipad nang lumipad
Nais kong lumipad…”

“Nais ko ring maagos ng alon saan man mapadpad
Kahit na isdang mumuntiin, hangari'y lumangoy nang lumangoy
Nais kong lumangoy…”

.“Nais kong malibot ang mundo sa kanyang kasuluk-sulukan
Nais kong makita ang paligid kong puno ng kagandahan
Nais kong makadama ng kakaibang damdamin kahit minsan man lang
Habang ako ay may buhay, wala nang hangarin pang tunay
Nais ko...nais ko...nais ko...”


“Nais kong maulit muli ang buhay
Kung may pagkakataon upang mamalas
Ang mga bagay-bagay na 'di ko natanto sa aking buhay
Nais kong lumipad…”

March 11, 2009. Ito ang huling araw na makikita ka ng mundo. Ang huling araw ng kalungkutan. Nawa’y dalhin ka ng hanging kapiling ng ibang katulad mo na nagdulot ng saya sa bawat Pilipino. Maraming salamat sa musika kaibigan, hinding hindi ka naming makakalimutan hanggang sa iyong huling masayang laban.

Paalam FREEMAN..

JEEPNEY TALES

Pasahero: “Mama, bayad po…’
Driver: “Saan galing ‘tong bente?”
Pasahero: “Sa bulsa ko po!”
Driver: “Ang ibig kong sabihin, saan ka sumakay?
Pasahero: “Sa jeep nyo po!”
Driver: “Anak ng **^%%$!!!!”

Ayos ba? Mabuti na lang walang ganitong eksena sa jeep na mapapamura ang driver ng bonggang-bongga sa pasahero nito. Sa araw-araw ng pagsakay ko sa jeep, maraming na ring istorya ang naranasan ko. Makulit, matapang, makapal, masalimuhot, malungkot, masaya, malaswa, at kung ano-ano pa…

Tale #1: Girlash

Ano bang kaartehan ang feeling ng pasaherong ito na parang nakasakay sa private car. Tamaan mo lang ng konti, paduduguin ka ng “Ouch naman!” at syempre higher note ang lola mo. Hindi man sinasadyang matamaan siya uli, ang eksena ay “Ano ba, nananadya ka ba?!” Fine. Sinadya man o hindi, sorry na lang. Ingat lang sa mga taklesa na ipapahiya ka sa buong mundo ng ganito “Ano ba mama, tinamaan mo dede ko!!! Mala-kamatis na iyong mukha.

Tale #2: Girlash Wannabe

Hello naman sa mga baklush na ang tanging wish ay sardinas sa jeep para lang makatsansing sa boylet. “Sorry pogi…” yan ang pamatay na banat. Swerte ang baklita kung magreply ang boylet ng “It’s chokey” Ito ang hudyat ng sunod-sunod na tanong na…
“Saan ba punta mo?”
“Ano pangalan mo?”
“May girlfriend ka na ba… asawa kaya?”
“Can I get your number?”
“May pamasahe ka ba?”
“May baon ka ba mamaya?”
at..
“Tayo na ba?”

Kamote!!!

Tale #3: Live Radio Station

Naranasan mo na ba na parang may free radio station ka sa jeep na wala namang talagang radyo ang jeep na sinasakyan mo? Hindi ka naloloka girl dahil katabi mo yang nagala-radyo ang bunganga na iba’t-ibang topic na hindi mo namalayan na iba na pala ang istorya dahil sa bilis ng transisyon.
“Hoy kumare! Knows mo ba si itetch na blah-blah-blah…”

“Naku si ganito naman… blah-blah-blah…”

“Linoko ako ng walang hiyang yun… blah-blah-blah…”

Malas mo ineng kung nasa gitna ka ng dalawang ito! Pray na lang na makababa ka agad or else join the club ang drama mo.. Hihihi!

Tale #4: Peace and Laway

“zzZZZ!!”
“Ngorkkk!”
Mga peaceful passengers yet deadly dahil mag-ingat ingat ka kung saan ikaw ang kama nila. Package deal na rin kung may venom (laway) na kasama. Inis na inis ako sa mga pasahero na walang paki sa ganitong ugali. All right, wala namang problema kung matulog ka sa byahe girl, lalo na kung medyo tatlong chapters ang lalakbayin. Intindihin mo na lang sana na may katabi ka na may pakirandam din. May ibang version naman ang kwentong ito kung ang tulog na pasahero ay woman of substance. Sure ako na ang lolo mo ay feeling GF niya ito dahil voluntarily itong ikakabit ang shoulder niya sa ulo ng sleepy gal at feeling niya very comfortable ito. Hanep ha?!

Tale #5: Barktender

Malas: Malas mo kung ika’y nakaupo malapit sa driver dahil ikaw ang napiling taga abot ng bayad nila.
Swerte: May tsansang makapag-123 (1-2-3 – mga taong hindi marunong magbayad sa jeep) dahil bubulongan mo lang ang driver na “bayad mama..” at akala niyang sa’yo galing ito.
Malas: taga abot ka ng bayad at free fresh air pa kung ang driver ay tatlong buwan ng hindi naliligo at solo mo itong nilalanghap.
Swerte: Kung buhay ka pang makakababa sa jeep.

May makukulet na pasahero lalo na kung kakaupo mo lang ay sunod-sunod na nilang inaabot ang kanilang bayad. Kulang na lang ay isagaw mo na “PWEDE BANG UMUPO MUNA???” Meron naming ayos lang dahil sa mabait naman ang pagkasabi nito. Asa ka pa kung ang pasaherong ito ay binigyan ng talent ni Lord ng pagkawalang modo na parang alila kanya sa tono ng pananalita. Sabunutan mo kaya?!

Tale #6: Are you deaf?

May mga driver na di mo mapipigilang mapamura sa sobrang tagal bago huminto na halos kailanganin mo ng sumakay pabalik sa layo ng pinagbabaan sa ‘yo. Meron namang hihinto kahit na sa gitna ng kalsada mabawasan lang agad ang sakay nya. At meron ding halos mahalikan mo na yung katabi o kung minalas-malas ka ay mahuhulog ka pa dahil sa biglang pagpreno nya. May mga pasahero namang hindi pa nakuntento sa pagkalakas-lakas na pagsabi ng para at kumakatok pa sa bubong. Merong namang magbabayad kapag pababa na at may gana pang magalit kapag hindi agad naihinto ang sasakyan. At syempre merong mga nagmamadaling akala mo ay mauubusan ng lupa kung bumaba, kasehodang mabunggo at matapakan nyang lahat ng daraanan nya. Pero pamatay pa ring yung minsang may nakasakay akong mama na pagkalakas-lakas at paulit-ulit na sumisigaw ng “Bayad ho, bayad ho, bayad ho…” Syempre yung driver, kuntodo extend ng kamay nya. Nakatingin na lahat dun sa mama na kumakatok-katok pa sa bubong ng jeep. Sabay naalala nyang ” Para ” pala ang dapat nyang isinisigaw. Nyahaha…tawa ko ng tawa pagkababa nung mama!
At meron pa minsan na siguro kakapamili lang at kagagaling lang sa tawaran porsyon sa tiangge, imbes na “Mama, bayad oh!” ang nasabi ba naman ay ” Mama, Pagbilan ho!” ay naku di ko alam kung tatawa ba ako ng malakas o hindi at baka ma offend ko cia! har har harAt may isa pah! Dahil sa sobrang pakikipagkwentuhan sa katabi, simula na ata ng sumakay siya eh dakdak na ng dakdak imbes na ” Para ” ang sabihin eh “BABAY!!” siguro ang nasa isip ng mahadera eh magbabay sa kasama niya pero sa driver niya nasabi! har har har! Kasi naman super daldakina!!!

Tale #7: For Lovers Only

Hayyyy, love is in the air sa mga magdyowa na feeling love boat ang sinasakyan nila o kaya naman feeling nag-iisa lang sila sa mundo. Of course sa mga ibang pasahero ay free sine ito na Rated 18 pa kaya lang nakakabitin din lalo na kapag nauna kang bumaba sa kanila. Meron tuloy mga lalaking ‘nag-iinit’ at biglang bibitaw ang kamay sa pagkakahawak sa bakal para kunwari mapapasubsob sa katabi nila o kaya naman bigla mong mararamdaman na yung siko nila nasa tagiliran mo na. Sarap sampalin ng mga ganung lalaki. Di naman sa nakikialam ako, pero wala namang inggitan…

HORROR FLICKS

“I heard two noises coming from two separate areas of space over there. One of them could have been an owl, but the other one sounded like a cackling.”

Ito ang isang quote na napanood ko sa isang horror film na Blair Witch Project noong 1999. Isa ito sa pelikula na gumimbal sa publiko dahil hindi malaman kung ito nga ba ay hango sa totoong buhay o hindi. Noong bata pa ako, takot ako sa mga ganitong uri ng pelikula. Lagi raw akong nagkukulong, nagkukumot, o pinapalipat ang channel sa tuwing horror na ang pinapanood sa amin. Sino ba namang hindi matatakot kapag narinig mo na ang ganitong linya:

“Ano ang nasa dako pa roon? Bunga ng malikot na pag-iisip, likha ng balintataw O halaw sa isang daigdig ng kababalaghan Di kayang maipaliwanag ngunit alam mong magaganap...”

Naalala mo pa ba diba? Galing ito sa isang tanyag na katatakutang programa na may pamagat na Pinoy Thriller na ipinalabas noong Dekada 80. Tumataas talaga ang balahibo ko sa tuwing naririnig ko ito sa tv na tila nasa paligid ko lamang ang mga engkanto na sa isang saglit ay mawawala ako sa aking kinauupuan. Subalit ngayon, nahiligan ko ang manood ng horror at suspense films o tv series na halos malaglag na ang puso ko sa tension at takot. Enjoy naman talaga lalo na kung pag-iisipan ka ng writer kung sino nga ba talaga ang pumapatay. Hala! Pustahan pa nga kami kung sino ang may sala.

Iba’t-ibang kuwento. Minsan, siya na sa inaakala mo pero sa huli hindi pala. Best friend pala niya at hindi ang kapit-bahay na laging nakatingin sa bahay mo o kaya naman, pag-aawayin nang writer ang mga karakter hanggang sa magsasak-sakan ang grupo at sa bandang huli lalantad ang tunay na mamamatay.

Iba’t-ibang gimmick. Iniisip mo rin kung iba’t-ibang gimmick ba talaga ano? Oo nga naman, kung papanoorin mo nga sila kapansin-pansin na my iisang gimmick ang mga writers sa pag-likha ng kanilang kuwento, takbuhan, sigawan, at siyempre dugo, dugo, at marami pang dugo. Paandarin ang imahinasyon ng mga manonood.
Ang mga sumusunod ay mga “Top 10 Standard Gimmick” ng writer na lagi kong napapansin sa film:
10.Tatakbo sa kusina, maghahanap ng bagay na pwedeng ihampas o ipang-saksak sa kaaway.
9. Paghahampasin ang kalaban, matutumba, pero tatakbo ka palayo, magtangatangahan at magtatago.
8. Buhay pa ang loko at hahanapin ka. (Bakit nga ba hindi tiyakin na tsugi na siya bago lumayas ano? well, tapos na kuwento kapag nangyari yun at sayang ang 30 minutes na takbuhan)
7. May-awa effect kaya laging buhay ang engot.
6. Magtatago sa kabinet at lalabas pag wala na siya. Surprise!!! nasa likod mo lang pala.
5. Di makaka-tawag sa police dahil pinutol ang linya ng kaaway. Tandaan memorize niya ang set-up ng bahay niyo.
4. Wala ring signal ang cellphone. (NTC, paki explain nga!)
3. Laging sarado ang pinto. Hindi kayang buksan o nakalock lahat ng pintuan sa bahay.
2. Pupunta sa garahe, hahanapin ang susi ng kotse. Siyempre ayaw magstart. Magstart man ito, flat naman ang gulong.
1. Part 2.. Part 3.. Part 4.. hangang Part 10, buhay pa ang loko. Tuloy ang huntingan.

Iba’t-ibang style. Kadalasan umpisa pa lang ng kuwento nakakagimbal na ito. Tatakutin ka ng writer sa hinarire na voice over at dito na iikot ang kuwento. May mga horror films sa base on true stories na nakakapangilabot at siguradong tataas ang iyong balahibo. Sa last scene nito, may mga pagkakataong na mahihirapan ang pumapatay sa bida dahil nga namang bida ito at hindi basta-basta mamamatay. Hindi tulad sa mga extra o supporting karakter na kahit tingin lang ng kalaban tepok na ang mga ito. Babarilin, sasaksakin, susunugin, ibabaon sa lupa, at kung ano anong style ng pagpatay sa kalaban ang gagawin ng bida para mawala lang sa eksena. Magtatapos na ito magyayakapan ang mga nabuhay at bago mo makita ang mga maysala (credits) sa pinilakang tabing magbubukas ang mata ng halimaw at saka ito sisigaw ng "I shall return... growl!!!" ‘yun na!

Bow ako sa mga kapatid nating Korean sa paglikha ng ganitong film. Mukha pa lang nila nakakatakot na kahit walang masyadong special effects. Ihanda lang lang tissue, hindi dahil sa madramang eksena kundi sa lengwahe na tutulo ang dugo sa ilong mo dahil umaasa ka lang sa subtitle para maintindihan ang kuwento.

Hindi magpapatalo ang pinoy sa ganitong uri ng pelikula. Noong 1927, ipinalabas ang kaunaunahang silent horror film na “Ang Manananggal” noon pa ma’y naipakita na ng pinoy kung gaano kahusay sa paggawa ng naturang pelikula. Bilib ako sa mga pinoy, ngayon, high-tech na ang kanilang mga obra. Marami na ring mga creative and graphic artists ang nakisalamuha dahil kapansing-pansing gumaganda ang mga costume o make-up ng mga gumaganap. May gulat effect na rin ang mga ito sa bawat eksena, naryan na ang halimaw na namamasyal sa kisame at ang mga pinoy zombies na hanep ang make-up. At di mawawala ang pang-international natin tulad ng Sigaw ni Iza Calzado, The Maid ni Alessabdra de Rossi, at marami pang iba.

Paborito ko ang Shake, Rattle and Roll noong 1984. Ito ang panahon ng Pridyider na kumakain at dinudukot ang iyong bituka. Nakakatakot talaga marahil bata pa ako noon. Para bang Jason goes to Hell (1983) na di matapos-tapos ang kalokohan, ehe. Tumigil ang SRR sa taong 1997 (SRR VI) parang JGTH na tumigil din sa taong 1993 (final chapter). Bumalik ang SRR at binuhay muli noong 2005 - 2007 (2k5, 8, and 9) . Sa huling araw ng 2008, binalik uli ang SRR na Shake, Rattle and Roll X. Naala ko tuloy noong 2001 binalik rin si Jason na Jason X. Tuloy ba ang karera?

Pero di parin maiiwasan ang nakakatawang istorya na hinaluan ng corny scenes na nakakaconfuse minsan dahil ang mga major characters ay super drama at masyadong serious ang kanilang eksena samantalang may mga karakter na Ogie Alcasid (OA) pa rin ang drama. May konting love story man ang horror na ito tiyak lang na may komedya pa rin na parang kumakain ka ng popcorn na kailangang isawsaw pa sa ketchup. Marahil ito lang kapuna-puna sa mga pinoy. Paumanhin pero hindi pa talaga ako nakahanap ng isang pinoy horror film na may wow! (O baka sadyang maarte lang ako..hehe!) Naiinis ako sa mga script dahil super predictable ang bawat eksena at napaka-obvious kung sino ang taga-tsugi. Madaling makuha ang istorya ika nga. Isa pa sa pinaka ayaw ko ay ang nag-uumapaw na artista na tila nagvolunteer lahat para makasama sa pelikula na kung titignan mo ay halos mapuno na ng ulo ang kanilang poster.

Kahit ano pa man, astig talaga ang ganitong film. Sa tingin mo, may nananalo bang best aktor o aktress dito? Kung meron, mgtatambling ako!

Newer Posts Home

 
Humor - Top Blogs Philippines